Sunday, June 28, 2015

EnigMatematika

Naisip kong gumawa ng mga bugtong na may kinalaman sa matematika. Nais kong magnilay tungkol sa aking kurso sa pamamagitan nito. Sa tingin ko ay maigi na magbahagi ako ng ilang terminolohiya na karaniwang alam ng lahat ngunit gagawin ko ito sa paraang hindi tahasan. Lubhang mahalaga sa akin ang matematika na halos pinuno na ang buo kong pagkatao.

Panuto: Magdrag pakanan pagkatapos ng malaking letra upang makita ang sagot.

Asymptote

Dal'wang magkalaro,
Hindi magkatagpo.

Depinisyon:
A line or curve that approaches a given curve arbitrarily closely, but never touches.

Line

Sinulid ni Palito,
'di makita ang dulo.

Depinisyon:
A straight collection or plot of points extending in both directions infinitely.

Exponent

Nang itinaas si Kaka,
Lumiit na tila bata.

Depinisyon:
A number that says how many times to use another number in a multiplication. It is written on the upper right of and smaller than the number to be multiplied.

X

Madalas akong hanapin
upang sa guro'y ihain.

Paliwanag:
For hundreds of years, it has been the go-to symbol for the unknown quantity in mathematical equations. In a recent TED talk, the director of The Radius Foundation, Terry Moore, posited that the the use of it in this way began with the inability of Spanish scholars to translate certain Arabic sounds, including the letter sheen (or shin). According to Moore, the word for "unknown thing" in Arabic is al-shalan, and it appeared many times in early mathematical works.
Angle

Isang bukol ang umusbong
nang tayo'y magkasalubong.

Depinisyon:
In planar geometry, it is the figure formed by two rays, called the sides of the angle, sharing a common endpoint, called the vertex of the angle.
Numerator

Nang maghati ang pantas,
Ako ang nasa taas.

Depinisyon:
Term in a fraction, usually above the line, that indicates the number of equal parts that are to be added together; the dividend placed over a divisor.
Denominator

Nang maghati ang dalubhasa,
Inilagay ako sa baba.

Depinisyon:
Term in a fraction, usually written under the line, that indicates the number of equal parts into which the unit is divided; divisor.
Equality

Anumang panig ang mapili,
Siguradong hindi ka lugi.

Depinisyon:
In mathematics, it is a relationship between two quantities or, more generally two mathematical expressions, asserting that the quantities have the same value or that the expressions represent the same mathematical object.
Ratio

Kung ang tatlo'y para sa anim,
Kalahati ang para sa 'kin.

Depinisyon:
A relationship between two numbers of the same kind.



Nagmula ang mga depinisyon at paliwanag sa mga link na ito:
Asymptote/Line/Exponent/X/Angle/Numerator/Denominator/Equality/Ratio

No comments:

Post a Comment