Saturday, June 20, 2015

Sining sa Dekonstruksiyon ng salitang CHRONOTOPE

Ayon sa Dialogic Imagination ni Mikhail Bakhtin:
We will give the name chronotope to the intrinsic connectedness of temporal and spatial relationships that are artistically expressed in literature. This term is employed in... literary criticism almost as a metaphor. What counts for us is the fact that it expresses the inseparability of space and time.
Kung gayon, isang mahalagang konsepto ang chronotope sa larangan ng panitikan. Madalas itong ginagamit sa nobela tulad na lamang ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal.

Dahil naibigan ko ang nosyon ng chronotope, tinangka kong gumawa ng isang sining tungkol dito. Kung hihimayin ang mga titik ng salitang chronotope (lahat ay nakasulat nang malaki) ayon sa iba't ibang linya o hugis, makikita rito ang walong linyang patayo, limang linyang pahiga, tatlong linyang pakurba, tatlong bilog, at dalawang linyang pahalang.
 
C  H  R  O  N  O  T  O  P  E













Limang hakbang ang aking ginamit para sa aking likhang-sining:

1. Tatlong bilog (mula sa O) ngunit magkakaiba ang laki
















2. Apat na maiksing linyang pahiga (mula sa H at E)
 
3. Walong linyang patayo (mula sa H, R, N, T, P, at E) ngunit binago ang oryentasyon
















4. Isang mas mahabang pahigang linya (mula sa T) at dalawang pahalang na linya (mula sa R at N)
 
5. Tatlong pakurbang linya (mula sa C, R, at P)
 
Sa huli ay nakabuo ako ng isang larawan ng orasan, tugma sa nosyon ng chronotope, kung saan tinitingnan ang oras at espasyo bilang hindi mapaghiwalay na konsepto. Sa paglalansag ng mga piraso ng linya sa isang salita, hindi ko inakalang makagagawa ako ng isang bagay sa isang panibagong espasyo.
 
Sanggunian:
Bakhtin, Mikhail. The Dialogic Imagination: Four Essays. Texas: University of Texas Press, 1981.

No comments:

Post a Comment